LPA sa labas ng PAR, patuloy na binabantayan

Patuloy na binabantayan ang Low Pressure Area (LPA) sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR), na huling namataan, 1,290 kilometers, east southeast ng Mindanao.

Dahil sa trough ng LPA, asahan ang maulap na may kalat- kalat na pag-ulan at pagkidlat sa Mindanao.

Sa Luzon naman at sa Metro Manila, asahan rin ang maulap na kalangitan na may isolated light rains.


Mahina hanggang sa katamtamang lakas ng ulan naman ang mararanasan sa Bicol Region at Eastern Visayas, bunsod ng northeast monsoon.

Facebook Comments