LPA sa silangan ng Samar, mataas ang tiyansang maging bagyo

Walang sama ng panahong ang nasa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Pero ayon kay DOST-PAGASA weather specialist Ezra Bulquerin – may isang Low Pressure Area (LPA) na binabantayan sa labas ng PAR.

Namataan ito sa layong 770 kilometers silangan ng Guiuan, Eastern Samar.


Mataas ang posibilidad nito na maging isang bagyo.

Kapag pumasok na ito ng PAR ay tatagawin na itong bagyong ‘Jenny.’

Sa ngayon, asahan ang magandang panahon sa halos buong Luzon kasama ang Metro Manila habang ang Bicol Region ay uulanin dulot ng buntot ng LPA.

Sa Palawan at Visayas, makakaranas ng pag-ulan dahil naman sa hanging habagat.

Sa Mindanao, mainit ang panahon maliban sa Caraga Region dahil apektado ng LPA.

Facebook Comments