LPG, sumabog sa isang tindahan sa Mandaluyong; 2 katao, sugatan

Manila, Philippines – Sugatan ang dalawang katao matapos sumabog ang isang Liquefied Petroleum Gas (LPG) sa isang tindahan sa Mandaluyong City.

 

Sa kuha ng CCTV, makikita ang pagsiklab mula sa LPG at ilang sandali ay binalutan na ng makapal na usok ang buong establisyimento.

 

Ayon sa may-ari ng karinderya – papalitan sana ng isang empleyado ng nasabing tindahan ang kanilang tangke ng LPG pero nakalimutan niyang patayin ang kalan.

 

Hindi naman nito masisi ang kanyang tauhan, pero sana ay nakinig muna ito sa kanya.

 

Ayon kay Bureau of Fire and Protection (BFP) Mandaluyong Roberto Samillano – maging maingat sa paghawak ng LPG dahil highly flammable ito.

 

Gayunpaman, hindi gaano mataas ang halaga ng pinsala dahil agad naapula ang sunog.


Facebook Comments