Mandurukot na gumagala sa Fairview, tinutugis na NG QCPD

Manila, Philippines – Tinutugis ng Quezon City Police District (QCPD) ang isang mandurukot na gumagala sa Fairview, Quezon City.

 

Sa ulat, patakas na sana at pasakay ng isang UV express ang suspek na si alyas ‘toto’ pero nahabol siya ng mga estudyante na kanyang dinukutan.

 

At nang napansin ng suspek na kinukuhan siya ng video ng mga biktima ay galit nitong ibinalik ang cellphone na kanyang dinukot.

 

Kwento ng biktima na itatago sa pangalang ‘Bernardo’ naglalakad lamang sila ng kanyang asawa sa overpass ng nasabing lugar nang napansin nito na may nagbubukas sa kanyang bag kung saan nakalagay ang kanyang cellphone.

 

Kinumpirma rin ng kasintahan ng biktima ang pagkakakilanlan ng suspek na dumukot sa cellphone.

 

Ayon kay QCPD Fairview Senior/Insp. Rolando Ibañez – patuloy ang manhunt operation sa suspek.

 

Pinag-iingat pa rin ang mga otoridad ang publiko kapag kinokompronta ang mga kriminal dahil posibleng armado ang mga ito.

 

Payo ng pulisya, dapat tumawag muna ng pulis o opisyal ng barangay bago komprontahin ang salarin.


Facebook Comments