Cauayan City, Isabela – Kasabay sa pagsasailalim sa lalawigan ng Isabela sa General Community Quarantine ay nagpalabas na ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng general guidelines para sa pamamasada.
Nauna nag nagbalik pasada ang mga tricycle drivers at operators at bilang tugon narin sa nakatakdang pagbabalik pasada ng mga jeep, van at bus dito sa rehiyon sa mga susunod na araw
Ayon sa press statement na inilabas ng LTFRB Region 2, sinabi ni Regional Director Edward Cabase naisapinal na nila ang mga guidelines sa operasyon ng public transportation habang nasa ilalim ang buong rehiyon sa General Community Quarantine (GCQ)
Ayon kay Cabase kinakailangang kumuha ang operators ng Public Utility Vehicles (PUVs) ng special permit. Ang mga ito ay libre at makukuha sa pamamagitan ng e mail ng pang rehiyong tanggapan ng LTFRB na r2@ltfrb.gov.ph .
Ayon pa sa panuntunan ng LTFRB, mandatory na magsuot ang mga drivers at konduktor ng mask at gloves sa lahat ng pagkakataon habang ang mga pasahero ay dapat nakasuot ng mask bago sumakay. Mahigpit na ipapatupad ang point to point na pagsakay at pagbaba ng pasahero. Ibig sabihin, hindi pinapayagan ang mga sasakyan na mag pick up ng pasahero sa mga lansangan. Sa mga terminals lamang puwedeng sumakay at dito narin sisingilin ang kanilang mga pamasahe para maiwasan ang pasahan at baryahan sa loob ng sasakyan.
Ino-obliga ang mga Public Utility Buses (PUBs) magkaroon ng thermal scanners. Ang mga pasaherong may mataas na temperature o 38 degrees centigrade ay hindi na papayagang sumakay. Kinakailangan din ang regular na pag disinfect sa mga upuan, armrests, handles at iba pa, isang beses kada isang oras. Kinakailangan ding magkaroon ng tinatawag na foot-disinfectant para sa mga pasahero. Ilalagay ito sa pintuan o tapakan bago ang pagsakay ng mga pasahero. Ang driver’s compartment naka sealed sa mga pasahero gamit ang non-permeable at transparent material.
Mahigpit parin ang pagsasagawa ng physical distancing kaya inaasahan na 50% ng dating bilang ng mga pasahero o maximum na sakay ang pinapayagang laman ng mga pampasaherong sasakyan.
Hinihikayat ang mga pasahero na ilista o tandaan ang plate number at body number ng mga sinasakyan nila sa biyahe para makatulong sa contact tracing sakaling mag mga magpositibo ng COVID 19. Mahalag ding maisaulo ng mga pasahero ayon sa LTFRB ang mga ruta ng sinakyan nila maging oras ng pagsakay. inatasan din na magkaroon paseengers’ manifest ang mga premium point-to-point (P2P) buses
Ang LTFRB at Land Transpiration Office (LTO) kasama ang iba pang Inter-Agency Task Force (IATF) ang otorisadong magsasagawa daily random inspections sa mga PUV operations, offices, terminals para masiguro ang pagsunod sa mga alituntunin. Kasama ang Philippine National Police (PNP), Armed Forces of the Philippines (AFP) at local government units (LGUSay binibigyan din ng karapatan na magsagawa random spot checking para maipatupad ang physical distancing measures sa PUVs, transport terminals at iba pang sa designated na sakayan.
Binigyan diin pa ni Director Cabase na ang hindi pagsunod ng mga private vehicle driver/owner, PUV driver at operator kasama ang private o public transport terminal operator sa guidelines at protocols ay maituturing na violator at may kalalagyan sa batas.