LRT-1 | Christmas trains, umarangkada na

Manila, Philippines – Kasabay ng pagbubukas ng simbang gabi bukas, inilunsad ngayon ng Metro Pacific Investments Corporation (MPIC) ang biyaheng Misa de Gallo sa limang bagon ng Light Rail Transit line 1.

Ayon kay Melody del Rosario, ang Vice President for Corporate Communications ng MPIC, ang mga bagon ay nilagyan ng mga palamuti na ang konsepto ay may temang pamasko na nagpapakita ng kahalagahan sa kaugaliang Pilipino.

Kinagigiliwan ngayon ng mga pasahero ng LRT ang makukulay na parol, misa de gallo, noche buena at tradisyunal na pagbati o ‘mano po’ na ginagawa ng kabataan sa mga matatanda.


Ang Christmas trains na mayroong disenyo na tulad nito ay bumibiyahe mula Roosevelt station sa Quezon City hanggang Baclaran sa Paranaque city.

May mga ibibigay din ang pamunuan ng LRT-1 na mga candies sa mga kabataan, beep cards at iba pang surprise gift sa mga lucky passengers ng LRT train hanggang Disyembre a-25.

Facebook Comments