LRT-2 operation, malabong maibalik ngayong weekend; partial operation, target sa Lunes at Martes

Malabo pang maibalik bukas o sa araw ng linggo ang serbisyo ng LRT-2 matapos lumiyab ang rectifier nito sa pagitan ng Katipunan at Anonas stations.

 

Ayon kay LRTA spokesperson Atty. Hernan Cabrera,

sa kanilang pagtaya, aabutin pa ng siyam na buwan bago matapos ang repair.


 

Masyadong malawak ang pinsala na iniwan ng nangyaring sunog.

 

Nakabatay aniya ang bilis ng gagawing installation at conditioning process ng tren sa pagdating ng mga piyesa na kailangang angkatin.

 

Sa ngayon ay nakikipag ugnayan na ang kanilang technical staff sa mga suppliers.

 

Posibleng partial operation pa muna ang ipatutupad sa Lunes o Martes.

 

Lilimitahan muna ang biyahe mula Cubao hanggang Recto stations pabalik.

 

Walang operasyon ng tren mula Santolan hanggang Anonas stations sa loob ng siyam na buwan.

Facebook Comments