LRTA, aminadong wala silang Disaster Recovery Plan  

Inamin ng Light Rail Transit Authority (LRTA) na wala silang disaster recovery plan kapag may mangyaring hindi inaasahan tulad ng pagkasunod ng power rectifiers na naglimita sa operasyon ng LRT Line 2.

Ayon kay Federico Canar, Manager ng Engineering Department of LRT-1 at LRT-2, wala silang nakalatag na playbook sakaling may mangyaring emergency scenarios, man-made man o natural.

Giit naman ni Muntinlupa Rep. Ruffy Biazon, isang malaking kakulangan ito sa bahagi ng LRTA.


Dapat aniya, may mga nakahandang Contingency Plan at mitigating measures sa oras ng sakuna.

Paglilinaw naman ni LRTA Spokesperson, Atty. Hernando Cabrera, na mayroon silang Risk Management Plan na tutugon sa kaso ng terrorist attacks, derailment, train collision, at iba pa.

Una nang itinanggi ng LRTA na may foul play na nangyari sa insidente.

Facebook Comments