Cebu, Philippines – Tiniyak ng Land Transportation Franchising and
regulatory Board at ng Land Transportation Office sa Central Visayas ang
“zero accident” ngayong Semana Santa.
Nakipagpulong na ang LTFRB at LTO -7 sa mga bus operators sa lalawigan ng
Cebu at sa management ng mga bus terminal upang tiyakin ang kanilang
kooperasyon para masiguro ang kaligtasan sa mga pasahero nababiyahe ngayong
Semana Santa sa ibat-ibang lugar sa probinsiya.
Isang joint inspection sa mga pampasaherong bus ang ilulunsad ng LTFRB at
LTO-7 sa terminal at garahe ng mga bus para tiyakin ang “road worthiness”
ng kanilang mga sasakyan.
Nagsimula na ring tumanggap ng LTFRB-7 ng mga application para sa special
permit ng mga bus na babiyahe sa ibang ruta kung saan kakailanganin ang
karagdagang mga bus dahil sa dami ng mga pasahero.
Nation”