Papangunahan ng LTFRB – Bicol sa ilalim ng pamumuno ni Regional Director Eduardo Montealto, Jr., ang gagawing PUVMP Caravan kung saan ikakampanya nito ang may kaugnayan sa Public Utility Vehicle Modernization Program. Ang bagay na ito ay napasimulan na ring ilunsad sa ibang bahagi ng bansa.
Dito sa Camarines Sur, gagawin ang nasabing aktibidad sa Robinsons Mall sa Naga City alas 9 ng umaga kung saan inaasahang dadaluhan ito ng maraming myembro ng nasa transport sector.
Layon ng proyektong ito ng LTFRB na makapagbigay ng mas ligtas, maaasaan, environment-friendly at mas komportableng transport system dito sa Kabikolan.
Magugunitang nitong nakaraan buwan ay bumuo na ang DOTC ng implementing at executing rules and regulation tungkol sa bagay na ito.
Sa kampanya nito sa iba’t-ibang bahagi ng bansa, inaasahang mas mabigyang linaw pa ng mga opisyal ang paliwanag sa publiko patungkol sa modernisasyon ng transport system sa bansa.
report by RadyoMaN Grace Inocentes
LTFRB-Bicol Kakasa ng Kampanya Tungkol sa Modernisasyon ng Transport System sa Robinsons Mall Naga City Ngayong Araw
Facebook Comments