LTFRB, gigisahin sa Senado matapos na hindi magamit ang pondo na nakalaan para sa mga drayber na apektado ng COVID-19 pandemic

Naghain na si Senator Francis Pangilinan ng resolusyon na layong paimbestigahan ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Ito ay kaugnay pa rin sa nasilip ng Commission on Audit (COA) na isang porsyento lamang ng pondong nakalaan para sa mga apektadong mga drayber ang nagastos ng tanggapan.

Matatandaang ayon sa COA ay nasa P59.7 million lamang mula sa P5.58 billion na budget ang nagastos kung saan ibinalik na lamang ito sa National Treasury matapos ma-expire ang Bayanihan 2.


Maliban kay Pangilinan, una nang naghain ng katulad na resolusyon si Senator Grace Poe para imbestigahan ang LTFRB bilang Chairperson ng Senate Committee on Public Services.

Facebook Comments