LTFRB, iginiit na nailabas na ang pondo para sa sahod ng mga driver at konduktor sa EDSA bus carousel

Pinabulaanan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang alegasyong delay ang pagpapalabas ng sahod para sa mga tsuper at konduktor sa EDSA bus carousel.

Kinumpirma ito ni LTFRB OIC Executive Director Joel Bolano sa interview ng RMN Manila kaugnay sa kilos-protesta na isinagawa ng grupo ng mga bus driver at konduktor kahapon dahil sa hindi pa nila natatanggap ang kanilang sahod simula May 2021.

Sinabi nito na nabayaran na nila ang lahat ng mga bus operators na lumahok sa libreng sakay ng pamahalaan sa ilalim ng Bayanihan 2 noong 2021.


Kaya nilinaw ni Bolano na ang isyu ng hindi pa naibibigay na sahod ay dapat mamagitan na lamang sa panig ng bus operators at ng mga apektadong empleyado.

Facebook Comments