Manila, Philippines – Inaalam na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) kung mayroong mga paglabag sa kanilang patakaran ang Leomarick bus.
Ito’y matapos na nahulog ang isa sa mga bus Leomarick sa bangin sa bahagi ng Capintalan, Caranglan, Nueva Ecija kung saan 31 ang namatay.
Ayon kay Atty. Aileen Lizada, tagapagsalita ng LTFRB, nag-iimbestiga na ang kanilang regional office ng team.
Nabatid na 45 katao ang seating capacity ng nasabing bus, pero noong nangyari ang nasabing insidente 60 katao ang lulan nito.
Sakaling mapatunayan na may overloading na nangyari, posibleng masuspinde ang prangkisa ng Leomaric sa loob ng 30 araw.
Bahagi aniya ito ng kanilang posibleng ilalabas na preventive suspension order para hindi na rin makabiyahe pansamantala ang isa pang bus ng leomarick habang nagpapatuloy ang imbestigasyon hinggil sa nasabing insidente.