LTFRB, ipapatawag ang kompanya ng dalawang bus na nasangkot sa magkahiwalay na aksidente kahapon

61

Ipapatawag ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pamunuan ng dalawang bus na nasangkot sa magkahiwalay na aksidente kahapon.

Ayon sa LTFRB, posibleng maglabas sila ng Show Cause Order o SCO upang marinig ang paliwanag ng Philippine Rabbit Bus Lines Inc. at AC Trans dahil dito ibabase kung sususpindihin o babawiin ang kanilang prangkisa.


Matatandaan na nasangkot sa aksidente ang isang bus ng Philippine Rabbit kung saan nahulog pa ito sa tulay sa may northbound lane ng NLEX sa may barangay San felipe, San Fernando City sa Pampanga at nabagsakan nito ang isang nakaparadang sasakyan habang lima ang sugatan at dalawang trak din ang nadamay.

Bigla namang nasunog ang bus ng AC Trans kahapon sa southbound lane ng EDSA sa may bahagi na ng Caloocan.

Hanggang sa ngayon ay patuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga otoridad sa insidente.

Facebook Comments

From Advertisers