Nagtatagong suspek, nahuli dahil sa malakas na utot

978
Courtesy: Clay County, Missouri Sheriff on Facebook

Natunton ng awtoridad sa Missouri ang isang lalaking wanted “for possession of a controlled substance” sa hindi pangkaraniwang paraan.


Nilaglag kasi ang suspek ng sarili niyang utot.

Sapat na ang lakas ng utot para malaman ng sheriff ang kinaroroonan ng suspek na hindi na nila pinangalanan.

Ibinahagi ng Clay County, Missouri Sheriff sa kanilang Facebok page ang nangyari na tinawanan ng maraming netizens.

“If you’ve got a felony warrant for your arrest, the cops are looking for you and you pass gas so loud it gives up your hiding spot, you’re definitely having a [poop emoji] day.”


Pabiro rin itong ibinahagi sa official Twitter account ng Liberty, Missouri na may hashtag pang “#nervousbelly” at “#nocomment”.

 

Paalala na kung gagawa ng masama at magtatago sa pulis, iwasan ang sobrang kamote.




Facebook Comments