Pinabulaanan ng Land Transportation Franchising And Regulatory Board (LTFRB) ang paratang ng Angkas na 17,000 riders ang mawawalan ng trabaho.
Kasunod ito ng hakbang ng ahensya na limitahan lang sa 10,000 ang bilang ng mga Angkas riders para buksan ang kompetisyon sa mga motorcycle taxis sa susunod na taon.
Ayon kay LTFRB board member Antonio Gardiola Jr., hindi totoo at walang batayan ang alegasyon ng Angkas.
Aniya, bagama’t aabot sa 17,000 mga riders ang mawawala sa Angkas, maaari naman silang lumipat sa iba pang providers tulad ng Move-It at Joy Ride na magsisimula na rin ang pilot implementation.
Samantala, pinalawig ng LTFRB ang pag-aaral sa pilot implementation mula bukas, Disyembre 23, na tatagal hanggang March 23, 2020.
Facebook Comments