LTFRB, naglaan ng augmentation bus para sa mga apektado ng pagsasara ng LRT Roosevelt Station

Umaksyon na ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) para sa mga pasahero na naapektuhan ng pansamantalang pagsasara ng LRT Line 1 Roosevelt Station sa Muñoz EDSA Quezon City.

Naglaan ang LTFRB ng sampung EDSA Carousel Bus na bibyahe mula Roosevelt Station patungong Balintawak Station at vice versa para isakay ang mga apektadong commuter.

13 pesos ang pamasahe para sa isang pasahero na magdadala sa kanila sa Balintawak Station.


Ayon sa LTFRB, pansamantala lamang ang pagsasara ng Roosevelt Station dahil binigyang daan lamang ang konstruksyon ng Central Station na magdudugtong sa LRT Line 1, MRT 3 at LRT Line 7.

Ang karagdagang EDSA Carousel ay augmentation support lamang ng DOTr para may karagdagang masasakyan ang mga pasahero na nagmumula sa Muñoz EDSA Quezon City.

Facebook Comments