LTFRB, nagpaalala na LTO, MMDA, at PNP ang manghuhuli sa mga jeepney na hindi sumali sa kooperatiba para sa PUV Modernization Program

Nagpaalala ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na ang Land Transportation Office (LTO), Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), at Philippine National Police (PNP) ang magsasagawa ng paghuli sa mga pampublikong sasakyan na hindi pa nakasama sa mga kooperatiba o korporasyon.

Nagsimula na kasi ngayong araw, May 16, ang operasyon kasunod ng pagtatapos ng 15-araw na palugit para sa mga jeepney driver at operator na sumali sa mga kooperatiba.

Pinaalalahanan din ng LTFRB ang mga jeepney driver na nagsama-sama sa mga kooperatiba na lagyan ng kaukulang dokumento ang kanilang mga sasakyan upang maiwasan ang pagkahuli.


Ang mga mahuhuling jeepney ay maaaring humantong sa isang-taong suspensyon ng lisensiya ng tsuper, multang P50,000 para sa operator, at 30-araw na impound ng sasakyan.

Ang pagsasama-sama ng mga jeepney driver at operator sa mga kooperatiba ay bahagi ng programa ng gobyerno para sa modernisasyon ng pampublikong transportasyon.

Facebook Comments