LTFRB, pinagpaparehistro ang mga driver sa PTOPS

Obligadong magparehistro ang lahat ng mga drayber sa Public Transport Online Processing System o PTOPS ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Partikular dito ang mga drayber na nagsimulang bumiyahe sa mga binuksang ruta mula noong ika-1 ng Hunyo ngayong taon.

Ang PTOPS ay hakbang ng ahensya patungo sa “new normal” kung saan epektibong maipatutupad ang physical distancing dahil maaari nang gumawa ng transaksyon ang mga stakeholders kahit nasa kanilang tahanan lamang.


Narito ang proseso sa pagpaparehistro sa PTOPS:
1.)Kailangan lamang ng mga drayber na mag-log in o sign up gamit ang sariling email address.
2.)Pangalawa ang pag-verify ng kanilang account sa email.
3.)Pangatlo ang mag-apply gamit ang sumusunod na impormasyon at iba pa na maaaring hingin ng system tulad ng:
-pangalan
-pangalan ng operator
-address
-cellphone number
-ruta at uri ng PUV (kung ito man ay public utility bus, modern public utility jeepney, traditional public utility jeepney.)

Kasama ring ilalagay ang plate number ng PUV at chassis number.

Para ma-access ang PTOPS, pumunta lamang sa link na: https://ncr-ltfrb.pisopay.com.ph/en

Facebook Comments