LTFRB, planong magbukas ng 5,000 bagong prangkisa para sa mga taxi sa Metro Manila

Plano ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na magbukas ng 5,000 bagong prangkisa para sa mga taxi sa Metro Manila.

Sa ngayon, nasa higit 20,000 taxi ang pumapasada at mas marami pang bumibiyaheng Transport Network Vehicle Service (TNVS) na nasa higit 30,000.

Ayon kay LTFRB Chairperson Martin Delgra III – magbibigay sila ng prangkisa para sa mga mas malalaking premium taxis.


Ilalabas ng Department of Transportation (DOTr) ang kautusan hinggil dito ngayong buwan.

Facebook Comments