LTFRB, sinagot na si Sen. Poe; Nanindigan sa posisyon nila laban sa colorum TNVS

Manila, Philippines – Sinagot na ng Land Transportation Franchise and Regulation Board o LTFRB ang pahayag ni Senator Grace Poe na sisilipin niya kung bakit ora-oradang dinisisyunan ng ahensya na hindi sundin ang sarili nitong Memorandum Circular 2018-005.

Sa isang kalatas pambalitaan, sinabi ng LTFRB na bagamat bukas ito  na makinig sa nga hinaing ng mga TNVS  applicants gayundin ang pagrespeto sa  kanilang karapatan na magprotesta, nanatili naman ang paninindigan ng ahensya na ipatupad ang mandato nito na ipagbawal na makapag-operate bilang public transport service ang mga  ‘colorum’ na TNVS.

Ayon kay Poe, hindi ito patas sa mga namuhunang partner drivers dahil itinatakda naman sa naturang MC na pinapayagan ang TNVS Hatchbacks Community na makapag-operate hanggang 2021.


Ayon naman sa LTFRB, tulad ng senador, kapakanan ng mga mananakay ang kanilang pangunahing isinasaaalang-alang.

Makakaasa aniya si Poe na titiyakin ng ahensya na magiging tapat ito sa  mandato nito na nakapagbigay ng  ligtas, maasahan at kumportableng  public transportation alinsunod sa batas.

Facebook Comments