Pormal nang binuksan ng Land Transportation Office (LTO) ang kanilang Information Technology Training Hub at Road Safety Interaction Center sa LTO main office sa Quezon City ngayong araw.
Ang moderno at technology-equipped na multi-purpose IT hub ay mayroong training rooms, office room, executive rooms, dormitoryo para sa pambabae at panglalaki, electrical room, at server room.
Magkakaroon din ito ng mobile app digital training platform na CitiLearn para sa driver’s education training program.
Ito ay maaaring mai-download ng libre sa Google app store.
Inilunsad din ng LTO ang Road Safety Interactive Center o RSIC na may mga modernong teknolohiya na akma sa lahat ng edad.
Ang nasabing pasilidad ay makatutulong na makapagbigay ng mas malawak na impormasyon upang lalo pang maintindihan ng mga nagmamaneho ang pagiging ligtas sa daan.
Ayon kay Land Transporation chief Assistant Secretary Edgar Galvante, ang mga proseso sa LTO ay may mataas na pangangailangan sa teknolohiya kung kaya’t ang nasabing mga training facility ay makatutulong upang mailunsad ang mga educational programs ng ahensya.