SA UMINGAN: MISTER, INIREKLAMO ANG KANYANG MISIS MATAPOS MADATNANG MAY IBANG KAYAKAP SA KAMA

1189

UMINGAN, PANGASINAN – Desididong magsampa ng kaso ang isang mister matapos maaktuhan ang kanyang misis kasama ang kalaguyo nito na magkayap sa kanilang kama.

Ang mister ay itago nalang sa pangalang “Ben” na nagtungo sa PNP Umingan upang isuplong ang kanyang asawa na may ibang kalambingang lalaki.

Sinamahan ng otoridad ang nagreklamong mister at nagtungo sa kanilang tahanan.

Dito na naaktuhan at navideohan ng kawawang mister ang kanyang misis kayakap sa kama ang lalaki nito habang walang saplot pang-ibaba.

Dahil dito ay dinala sa himpilan ang dalawa at sasampahan ng karampatang kaso.| ifmnews

Facebook Comments