LTO-CAR TUTULONG SA PAGSASAAYOS NG BIKE LANES SA LUNGSOD!

Baguio, Philippines – Handang tumulong ang ahensya ng Land Transporation Office Cordillera kasama ang City Engineer’s Office at Department of Works and Highways (DPWH), para sa pagsasaayos ng mga bike lanes sa siyudad para magsilbing tulong sa mga nagbibisikleta.

Ayon sa ahensya, may mga na nakikita na silang mga maaring daanan ng mga bisikleta sa syudad ngunit ilan sa mga ito o hindi lahat ng kalsada ay malalagyan ng bike lanes.

Samantala, pag-aaralan naman ng ahensya ang ilang mga plano ng Department of Transportation (DOTr) kapag naisapinal na ang mga ito.


Sa karagdagang balita, ang LTO Baguio Registration Transactions, 200 lamang ang mabibigyang serbisyo kada araw at narito ang sistema ng kanilang serbisyo: QUEUE NUMBERS TIME OF TRANSACTION1 – 40 7:30 AM – 8:30 AM41 – 60 8:30 AM – 9:30 AM61 – 90 9:30 AM – 10:30 AM91 – 110 10:30 AM – 11:30 AM111 – 130 11:30 AM – 12:30 PM131 – 150 12:30 PM – 1:30 PM151 – 180 1:30 PM – 2:30 PM181 – 200 2:30 PM – 3:30 PM

Ang mga maabutan ng cut-off ay maaring magpalista para sa queue number sa susunod na araw.

Para sa mga Frontliners, Senior Citizens at PWD maaaring lumapit lamang sa naka-duty na guwardiya at makisuyo sa transaksyon.

Photos: Neil De Guzman

Facebook Comments