Sa naging panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Ginoong Deo Salud, pinuno ng LTO Cauayan City, ipinaliwanag nito na kung napaso na ang lisensya noong Enero 2022 ay mayroon pang pagkakataon para i-renew ito hanggang Abril ng kasalukuyang taon.
Kung ang isang aplikante naman ay magre-renew ng kanyang lisensya at gustong magmaneho ng mga malalaking sasakyan at mga pampublikong sasakyan ay kinakailangan muna nilang sumailalim sa NC3 hanggang NC4 para makakuha ng certificate na dadalhin naman sa tanggapan ng LTO para ma-upgrade ang lisensya.
Kaugnay nito, bukas pa rin ang tanggapan ng LTO sa Lungsod ng Cauayan para sa mga kukuha ng bagong lisensya ganun din sa mga kukuha palang ng driver’s license.
Samantala, para naman sa mga baguhan at kukuha palang ng lisensya, kinakailangan munang dumaan ng theoretical driving course, medical screening at may maipakitang PSA Birth certificate ang isang indibidwal para mabigyan ng student permit.
Pagkatapos ng isang buwan, maaari nang kumuha ng non-professional driver’s license subalit kinakailangan din na dumaan sa practical driving course sa mga accredited driving schools depende sa imamanehong sasakyan gaya ng motorsiklo o 4-wheels.
Sa ngayon, nasa 50 hanggang 60 na katao bawat araw ang inaasikaso ng naturang ahensya para sa mga kukuha driver’s license.