Pangulong Duterte, excited nang umuwi ng Davao para magpahinga 

Sa tingin ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa, excited ng umuwi ng Davao para makapagpahinga si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ang nakikitang dahilan ni Dela Rosa, kaya ngayong pa lang ay nagsisimula na raw mag-impake si Pangulong Duterte kahit hanggang June 30, 2022 pa matatapos ang kaniyang termino.

Para kay Dela Rosa, nagampanan nang mahusay ni Pangulong Duterte ang pamumuno sa bansa.


Binanggit din nito na ang anim na taong termino ng presidente ng bansa ay bitin o maikli para sa isang magaling na lider pero sobrang matagal para sa hindi mabuting lider.

Facebook Comments