Inanunsyo ng Land Transportation Office (LTO) na naka-lockdown ngayon ang lahat ng kanilang mga departamento kabilang na ang Law Enforcement Service (LES), Finance at Executive Directors Office, ito ay matapos magpositibo sa COVID-19 ang labindalawa (12) nilang empleyado.
Ang naturang mga nagpositibo sa COVID-19 ay mula sa may 100 na tauhan ng LTO na sumalang sa rapid test noong araw ng Sabado at Lunes.
Dahil dito, isasailalim na sa rapid test ang lahat ng mga empleyado, kasama na ang mga nagtatrabaho sa opisina ni LTO Chief Edgar Galvante, ang 60 mga traffic enforcer mula sa LES at iba pang mga unit.
Samantala, muling sasailalim sa swab test ang mga nagpositibo sa virus para sa reconfirmation .
Sa ngayon ay sumasailalim na sa 14-days quarantine ang mga nagpositibong mga empleyado ng LTO.