
Muling sasanayin ang lahat ng traffic enforcers ng Land Transportation Office (LTO) sa buong bansa.
Kasunod ito ng nag-viral na insidente sa Panglao, Bohol, kung saan naging bayolente ang ilang enforcers sa paghuli sa isang motorista na may hawak na itak.
Makikita sa video online, na hawak ng enforcers ang isang lalaking nakahiga sa ibabaw ng motorsiklo, saka ito hinila pababa.
Maririnig sa boses nito ang paglilinaw na isa siyang magsasaka kaya ito may bolo.
Natukoy na ang lalaki ay nakatatandang kapatid ng dating vice mayor ng Panglao, Bohol.
Sinabi ni LTO Chief Atty. Vigor Mendoza II, magiging katuwang ng LTO ang Philippine National Police (PNP) na magbibigay ng update sa mga bagong protocols upang matiyak na hindi na mauulit ang ganitong insidente.