
Mas mapapadali na ngayon ang pagresolba sa mga workplace dispute.
Ito ay dahil epektibo na ang conciliation-mediation process sa ilalim ng single entry approach ng Department of Labor and Employment (DOLE).
Dahil dito, agad na maaaksyunan ang mga labor issues nang hindi na daraan sa magastos at mahabang legal proceedings.
Batay kasi sa bagong guidelines, hindi na mahihirapan ang mga manggagawa na maghain ng request for assistance (RFA) dahil pwede na itong isumite sa pinakamalapit na DOLE office kung saan siya naniniharan.
Bago yan ay kailangan itong ihain sa kung saan siya malapit nagtatrabaho.
Bukod diyan, saklaw na rin nito ang mga platform workers, freelancers at mga employee na nakakontrata.
Para naman sa mga hindi personal na makapupunta para magsumite ng RFA, pwede na rin itong idaan sa pamamagitan ng authorized representatives.
Samantala, inilunsad din ng DOLE ang Assistance for Request Management System na isang digital platform kung saan pinapayagan ang mga manggagawa at employer na mag-file, i-track, at resolbahin ang isyu online.
Noong nakaraang taon, nasa 83,836 na RFA ang naproseso ng kagawaran katuwang ang National Conciliation and Mediation Board at National Labor Relations Commission na nagresulta sa mahigit P2.9 billion na claims para sa mahigit 58,000 manggagawa.