
Pormal nang nilagdaan ng Department of Justice (DOJ) at Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang memorandum of understanding (MOU).
Ang nasabing MOU ay para sa pagpapatupad ng DOJ-DSWD Client Referral and Psychosocial Intervention Program.
Sa ilalim ng kasunduan, ang mga kliyente ng DOJ at ng action center nito gayundin ng mga fiscal at public attorney ay maaaring bigyan ng referral mula sa DSWD.
Partikular ang mga kliyente na nangangailangan ng karagdagang suporta tulad ng mga biktima ng rape, illegal recruitment at iba pa.
Bawat kliyente ay tutulungan sa mga pangangailangan tulad ng pagsasailalim sa therapy, medication at financial assistance para sa pagsasampa ng kaso.
Kasama rin na ipagkakaloob sa mga kliyente ang medical at funeral kung saan ang lahat ng kliyente ay daraan sa assessment ng social worker mula sa DSWD.