LTO head ng Surigao Del Norte binigyangdiin na aalis ng puwesto kung iutos ng DOTC Secretary Ayon kay Solaiman Pacasirang, ang District Head ng Land Transportation Office Surigao Del Norte, kung matanggap niya ang Official Order mula sa DOTC Sec. Arthur Tugade na paalisin na siya sa puwesto, kaagad siyang tatalima at salubungiin pa niya ang ipapalit sa kanya. Ito ang naging tugon ni Pacasirang matapos na may isyu na papalitan siya ni Engr. Manuel Del Carmen bilang District Head ng probinsiya. Diumano’y walang basehan ang Reshuffling Order noong Aug. 11 dahil Ito’y lipas na, may bagong order na lumabas noong Setyembre 13 na kung saan nakasaad na siya pa rin ang mamumuno sa Surigao Del Norte. Tinukoy nito, wala ring mabigat na basehan na siya’y paalisin dahil kung revenue collection sa probinsiya, sa ilalim ng kanyang pamumuno lumaki at halos doble ang koleksiyon. Diumano’y maganda rin naman ang kanyang relasyon sa LGU at ibang stakeholders, isama pa na ayaw ng kanyang mga staff na maalis siya sa posisyon. Dagdag pa na may ongoing audit na isinagawa ng composite team ng LTO Regional at National Office. Binigyangdiin ni Pacasirang, kung iutos man na mawala siya sa Surigao Del Norte, sana’y may legal na proseso, ang Regional Director ayon sa kanya walang katungkulan na paalisin ang regular na LTO District Officer kundi itoy nasa kamay ng Secretary ng DOTC, ang RD ang puwede lamang makapag-rekomenda.
LTO head ng Surigao Del Norte binigyangdiin na aalis ng puwesto kung iutos ng DOTC Secretary
Facebook Comments