LTO, hinimok ang mga motorista na ipa-inspeksyon ang kanilang mga sasakyan sa PMVIC

Hinihimok ng Land Transportation Office (LTO) ang mga motorista na ipatingin ang kanilang sasakyan sa Private Motor Vehicle Inspection Centers (PMVIC) para matiyak ang roadworthiness ng mga ito.

Ito kahit inilabas ni Pangulong Rodrigo Duterte ang desisyong hindi gawing mandatory ang motor vehicle inspection.

Ayon kay LTO Chief Assistant Secretary Edgar Galvante, tatalima sila sa kautusan ng Pangulo.


Dagdag pa ni Galvante, maaaring pumili ang mga motorista kung nais nilang ipasuri ang kanilang mga sasakyan sa Private Emmission Testing Centers (PETCs) o sa PMVICs, na nag-aalok ng kaparehas na fees.

Sa ngayon, ang roadworthiness inspection sa light vehicles ay magiging ₱600, nasa ₱500 para sa mga motorsiklo at ₱300 sa jeepneys.

Facebook Comments