Mahigpit ang direktiba ng Land Transportation Office (LTO) sa kanilang regional offices na paigtingin ang pagsagawa ng information drive kaugnay ng online car transaction ng motor vehicles.
Sinabi ni LTO chief Assistant Secretary Atty. Vigor D. Mendoza II, base raw kasi sa LTO data, nasa isang porsiyento lamang ng mga behekulo sa Pilipinas ang gumagamit ng digital transaction para sa registration at renewal ng registration ng motor vehicles.
Aniya, ang target daw nila ay baguhin ang kasalukuyang data na dapat mas maraming bilang ng car at motorcycle owners na gumagamit ng online platform sa kanilang transaksiyon sa LTO.
Ang pagpapaganda raw ng LTO digital transaction ay bilang pagsunod ng marching order ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa lahat ng government agencies para mapabilis ang digitalization sa mga serbisyo
Sa bahagi ng LTO Central Office, makikipagpulong daw si Mendoza sa car at motorcycle dealers para ipagbigay-alam ang kapasidad na i-handle ang online transactions para sa registration ng bagong motor vehicles.