Presyo ng produktong petrolyo, tataas sa Martes

Tataas muli ang presyo ng mga produktong petrolyo.

Batay sa final estimates ng mga kumpanya ng langis, posibleng maglaro sa ₱1.20 hanggang ₱1.50 ang itaas sa presyo ng kada litro ng diesel.

Habang nasa ₱1.20 hanggang ₱1.40 naman ang posibleng madagdag sa presyo ng kada litro ng kerosene at ₱0.90 hanggang ₱1.10 naman sa gasolina.


Ilalabas ang official price adjustment bukas, October 23 at ipatutupad din sa Martes, October 24.

Facebook Comments