LTO, kumikilos na sa problema hinggil sa isyu ng backlog ng mga plaka

Humingi na ng pondo ang Land Transportation Office (LTO) upang maresolba ang problema sa mga natenggang plaka ng mga sasakyan.

Dahil dito, pinayuhan ni Atty. Alex Abaton, ang LTO Special Legal Assistant to the Office of the Assistant Secretary, ang mga mamamayan na maghintay lamang dahil kumikilos na ang ahensiya upang tugunan ang mga backlogs sa plaka na mula pa noong 2016.

Ayon kay Atty. Abaton, kasalukuyan ng gumagana ang mga planta kaya’t sigurado siya na magagawa na ang mga plaka ng mga sasakyan.


Aniya, kasama ito sa panukalang pondo na inihain sa Kongreso na mahigit ₱6 bilyong upang punuan ang lahat ng backlogs, ngunit ₱4.7 bilyon lamang ang inaprubahan ng Department of Budget and Management (DBM).

Bagaman tinapyasan ng DBM ng ₱1.3 billion ang kanilang hinihingi, Kongreso pa rin ang magpapasya kung magkanong budget ang ibibigay sa ahensiya.

Dagdag pa ni Abaton na ang usapin ay hindi pa magtatapos sa Kamara dahil aakyat pa ito sa Senado.

Facebook Comments