Uganda, nakapagtala ng anim na panibagong kaso ng Ebola

44

Nagkapagtala ng anim na panibagong kaso ng Ebola virus ang Uganda.

Ayon sa World Health Organization (WHO), isang 24-anyos na lalaki na rin ang nasawi sa Uganda dahil sa virus.

Sa kabuuan, umabot na sa pito ang kaso ng Ebola sa bansa.


Sumasailalim na rin sa gamutan ang 43 contacts at 10 katao na pinaniniwalaang dinapuan ng nasabing virus.

Ayon kay WHO Regional Emergency Director Abdou Salam Gueye, nagsasagawa na rin ng surveillance ang ahensya at ginagamot na ang mga tinamaan ng naturang sakit.

Facebook Comments