Mataas na recovery efficiency ng mga nakaw na sasakyan, naitala ng PNP

36

Nakapagtala ang Philippine National Police (PNP) ng 83% recovery efficiency para sa mga nakaw na sasakyan at motorsiklo.

Batay sa datos ng PNP Directorate for Operations, sa 60 carnapping cases, mula September 1 hanggang September 17 ay nasa 50 stolen vehicles ang narekober ng mga awtoridad.

Ayon kay PNP Chief Gen. Rodolfo Azurin Jr., patunay ito na epektibo ang mga hakbang na ginagawa ng PNP upang mapigilan ang mga masasamang-loob.


Lumabas din sa datos ng PNP Crime Research Analysis Center na sumadsad ang index crimes sa 34 na kaso noong Lunes mula sa 83 kaso noong Linggo.

Kabilang ang murder, homicide, physical injury, rape, robbery, at carnapping sa nasa hanay ng index crimes.

Facebook Comments