LTO, MAY BABALA!

Baguio, Philippines – Nagbabala ang Land Transportation Office (LTO) Regional Office sa mga sasakyang nagdadala ng mga pasahero sa iba’t ibang lugar na walang sapat na dokumento, dahil ang mga ito ay ikinokonsidera ng ahensya bilang kolorum.

Ayon kay LTO Regional Director, Francis Almora, noong Hulyo 6, nasa pitong mga iligal na sasakyan na ang nahuli at inimpound ng ahensya sa kanilang anti-colorum drive sa rehiyon sa kasagsagan ng pandemya dulot ng Covid-19, ilan sa mga ito ay nahuling nagdadala ng pasahero mula Bontoc hanggang La Trinidad, ang iba pa sa mga sasakyan ay bumabyahe papuntang Apayao, Kalinga, La Union, Manila at Pangasinan.

Masusi din nilang binabantayan ang mga sumbong na nakukuha nila online patungkol sa mga kolorum at kung napatunayan, huhuliin na nila ang mga naisumbong na mga iligal na pumapasadang mga sasakyan.


Dagdag pa ng LTO Regional Director, na hindi naman huhuliin ang mga sasakyang pumapasada at tumutulong sa mga Locally Stranded Individuals (LSI) kung may koordinasyon sa gobyerno.

Facebook Comments