DOH, nagbabala kaugnay sa paggamit sa pangalan ni Sec. Herbosa sa mga gamot sa diabetes

Nagbabala ang Department of Health (DOH) sa publiko kaugnay sa mga naglabas ulat ng umano’y gamot sa diabetes, na ginagamit pa ang pangalan ni Sec. Teodoro Herbosa.

Ayon sa DOH, walang ini-endorso na anumang uri ng gamot si Herbosa tulad ng binabanggit ng mga kumakalat na link sa internet.

Maging ang ahensya ay hindi rin nagrerekomenda ng ganitong uri ng gamot dahil wala namang medisina para magpagaling ng mga ganitong non-communicable and comorbidities.


Mahaharap din sa kasong kriminal ang sinumang gumagamit sa pangalan ng kalihim at ng DOH para lamang manloko at manlinlang sa publiko.

Facebook Comments