Aabot sa ₱6.8 bilyong ang kailangang pondo ng Land Transportation Office (LTO) para matugunan ang isyu ng kakulangan sa plaka.
Sa Laging Handa briefing, sinabi ni LTO Officer-in-Charge Atty. Romeo Vera Cruz na malaki ang kanilang backlog lalo na sa motorsiklo.
Aniya, tanging Kongreso ang makapagbibigay sa kanila ng kailangang pondo.
Kung tutuusin aniya ay wala namang problema sa produksyon ng plaka gayong mayroon silang modern plate making plant.
Aniya, may dalawang robot din silang ginagamit para sa pagpo-produce para sa motorcycle plate at isa pa para sa wheel drive kaya’t walang problema sa backlog kung mayroon lamang na pondo.
Facebook Comments