LTO, nanindigang tuloy ang pagsuspinde sa NCAP; diyalogo sa LGUs sa NCR, magpapatuloy

Nanindigan ang Land Transportation Office (LTO) sa posisyon nito na suspindehin ang No-Contact Apprehension Policy (NCAP) na kasalukuyang ipinatutupad sa ilang lungsod sa National Capital Region (NCR).

Gayunman, sinabi ni LTO Chief Atty. Teofilo Guadiz III na kailangang magtuloy-tuloy pa rin ang mga diyalogo sa mga lokal na pamahalaan gaya ng lungsod ng Maynila, Quezon City, Parañaque City, Valenzuela City at Muntinlupa City.

Naniniwala si Guadiz na dapat magkaroon muna ng isang pinal, klaro at iisang guidelines


Dapat din aniya munang masubukan ito upang makitang epektibo ang No Contact Apprehension Program (NCAP) para sa kapakinabangan ng publiko lalo na ng mga motorista.

Hinikayat ng LTO chief ang mga alkalde ng mga nabanggit na lungsod na patuloy na makipagtulungan sa Metropolitan Manila Development Authority upang makabuo ng iisang guidelines.

Pangunahing tinututulan sa NCAP ang pagpapataw ng multa sa mga registered owners ng public at private vehicles kahit hindi sila ang nagmamaneho ng sasakyang mahuhuling lalabag sa batas trapiko.

Una nang naghain ng petisyon sa Korte Suprema ang apat na transport groups para hilinging suspindehin ang implementasyon ng NCAP.

Facebook Comments