Pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa pagpasok ng face-to-face classes, inaasahan ng DOH

78

Inaasahan na ng Department of Health (DOH) ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa pagsisimula ng face-to-face classes sa susunod na linggo.

Ayon kay Department of Health OIC Usec. Maria Rosario Vergeire, ito ay dahil sa mas lalo pang dadami ang mga tao sa labas.

Bunga nito, hinihikayat ng DOH ang mga magulang na pabakunahan na ang kanilang mga anak at manatiling sumunod sa health protocols.


Umaasa rin si Vergiere na magkakaroon ang bawat eskwelahan ng safety officer para matiyak ang kaligtasan ng mga estudyante.

Facebook Comments