LTO SAN CARLOS, LILIPAT SA MAS MALUWAG NA LUGAR; 3,500 SQM NA LUPA, IDODONATE NG LGU

Pormal nang sinimulan ng Land Transportation Office o LTO Region 1 at ng Pamahalaang Lungsod ng San Carlos ang proseso para sa donasyon ng lupa na pagtatayuan ng bagong tanggapan ng LTO sa lungsod.

Noong Pebrero 27, isinagawa ang land survey at subdivision sa isang 3,500 square meter na lupang matatagpuan sa Brgy. Ano.

Ayon sa mga opisyal, ililipat ang LTO San Carlos District Office dahil sa kasalukuyang lokasyon nito na masikip, kulang sa parking spaces, at nangangailangan pa ng mas maayos na site development upang mapabuti ang serbisyo sa mga kliyente.

Dahil sa pagdami ng mga transaksyon tulad ng lisensya at rehistro ng sasakyan, nagiging hamon ang limitadong espasyo sa pagtugon sa pangangailangan ng publiko.

Planong itayo ang bagong gusali sa loob ng itatayong Government Center ng lungsod, kung saan ilalagay din ang iba pang ahensya ng pamahalaan para sa mas sentralisadong serbisyo.

Sa ngayon, wala pang inilalabas na target date para sa pagsisimula ng konstruksyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments