Tuesday, November 17, 2026

LTOP, nanghihinayang na hindi jeep ang ginamit sa paghahatid ng mga ministro sa PICC

Dismayado ang Liga ng Transportasyon at Operators sa Pilipinas (LTOP) matapos makita sa mga balita ang umano’y paggamit ng Tuktuk bilang paraan ng transportasyon ng mga ministro ng ibang bansa mula sa airport papunta sa Philippine International Convention Center (PICC) para dumalo sa 49th ASEAN Summit.

Ayon kay Orlando Marquez, national president ng LTOP, ang 49th ASEAN Summit sana ang pagkakataon ng Pilipinas para ibida ang sariling produkto at pagkakakilanlan ng bansa, kaya mas maganda sana kung ibinida ang mga jeep sa Pilipinas mula pa lamang sa airport.

Giit ni Marquez, may mga 6-footer jeep na sa bansa na puwedeng magamit para sa 49th ASEAN Summit, kung saan puwedeng tumayo ang mga ministro sa loob ng jeep.

Sa kabilang banda, ipinagpasalamat pa rin ni Marquez ang pagho-host ng bansa sa 49th ASEAN Summit, pero hindi pa rin umano mawawala ang panghihinayang na hindi naibida ang mga jeep sa nasabing aktibidad.

Facebook Comments