
Bahagyang nagkaroon ng tensyon sa pagitan ng mga nagkikilos protesta at ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP).
Ito’y makaraan harangin ng mga pulos ang ibang mga raliyista na nagbababa ng mga gamit para sa gagawing programa kasabay ng kilos protesta sa Liwasang Bonifacio.
Natigil naman ang tensyon ng payagan ng mga otoridad na tuluyan ng ibababa ang mga gamit ng mga raliyista kung saan bumalik sa normal ang sitwasyon.
Samantala, personal na nag-ikot at nag-inspeksyon si National Capital Region Police Office (NCRPO) Acting Regional Director PBGen. Christopher Abrahano sa Liwasang Bonifacio.
Ito’y para makita ang kahandaan ng mga pulis sa inaasahan malawakang kilos protesta mamaya kasabay ng pagtatapos ng 2026 ASEAN Summit.
Facebook Comments










