WAGI | Cleveland Cavaliers, Houston Rockets at Los Angeles Lakers, panalo sa kani-kanilang laro sa NBA

Sports – Pinangunahan ni NBA Star Lebron James ang Cleveland Cavaliers para talunin ang Philadelphia 76ers sa score na 105-98.

Nakakuha si James ng 29-points para maitala ng Cavs ang 19 na panalo sa loob ng 27 na laro.

Nasungkit naman ng Houston Rockets ng ika-siyam na sunod na panalo matapos talunin ang Portland Trail Blazers sa score na 124-117.


Pinangunahan ni James Harden ang Rockets na mayroong 48-points at 8-rebounds.

Samantala, naitala ni Jordan Clarkson ang kanyang ika-14 sa kabuuang 22 points sa fourth quarter at nagawang maipanalo ang Los Angeles laban sa Charlotte Hornets sa score na 110-99.

Facebook Comments