LULUSOT KAYA? | Secretary Duque, muling isasalang sa confirmation hearing

Manila, Philippines – Nabitin ang pagkumpirma ng Commission on Appointments (CA) sa pagkakatalaga kay Secretary Francisco Duque III sa Department of Health.

Si Duque ay muling sasalang sa CA hearing dahil may mga kongresista at senador pa ang nais magtanong sa kanya lalo na sa mga plano kaugnay sa kontrobersyal na Anti Dengue Vaccine.

Ayon kay CA Committee on Health Chairman Senator Gringo Honasan, may isa pang oppositor sa kumpirmasyon ni Duque bukod sa dalawang humarap kanina sa hearing.


Sa hearing ngayong araw ay mariing itinanggi ni Duque ang akusasyon ni dating Department of Health (DOH) consultant Doctor Francis Cruz na may mafia o sindikato sa DOH na nakinabang sa pagbili ng gobyerno sa 3.5 billion pesos na Dengvaxia.

Binanggit din Duque na nakalagak sa Bureau of Treasury (BTr) ang 1.16 bilyong pisong halaga na ibinalik ng Sanofi para sa mga hindi nagamit na Dengvaxia Vaccine.

Ayon kay Duque, simula ng maging Health Secretary siya noong panahon ni dating Pangulong Gloria Arroyo hanggang ngayon ay wala syang nakita na anumang dokumento o ebidensya na magpapatunay sa nabanggit na sindikato.

Facebook Comments