LUMABAG | Dating alkalde ng Cabuyao City, Laguna, sinampahan ng kasong katiwalian

Laguna – Sinampahan ng Office of the Ombudsman sa Sandiganbayan ng kasong katiwalian ang dating alkalde ng Cabuyao City, Laguna. Ito ay matapos na maiugnay si dating Mayor Isidro Hemedes Jr. sa pagkakaroon niya ng direct financial interest sa Luzon Development Bank dahil sa pagiging miyembro ng Board of Directors nito simula June 20, 2007 hanggang February 5, 2014. Ayon sa Ombudsman, paglabag ito sa ilalim ng section 1 ng Presidential Decree no. 119, na nagbabawal sa isang halal na opisyal na magsilbi bilang direktor, opisyal o consultant ng isang Private Development Bank. Matatandaan na natapos ang termino ni Hemedes nitong 2016 kaya’t pasok ito sa mga araw ng kaniyang panunungkulan. Inirekomenda naman ng Ombudsman ang P30,000 na piyansa para kay Hemedes.

Facebook Comments