Manila, Philippines – Kinasuhan si Overall Deputy Ombudsman Melchor Arthur Carandang ng administratibo ng Office of the Executive Secretary.
Ito’y kaugnay sa pahayag ni Carandang na hawak nila ang detalye ng umano’y bilyu-bilyong pisong bank account ni Pangulong Duterte.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, lumabag si Carandang sa anti-graft and corrupt practices act.
Labag din sa patakaran ng Ombudsman ang magsiwalat sa publiko ng mga maseselang impormasyon at maling detalye na nakuha habang nag-iimbestiga.
Sinuspinde rin ng 90-araw si Carandang.
Facebook Comments