Lumabag sa health protocols sa NCR sa nakalipas na tatlong araw, umabot na sa mahigit 39,000

Umabot na sa 39,000 ang mga nahuli ng Philippine National Police (PNP) na lumalabag sa health protocols sa Metro Manila sa nakalipas na tatlong araw ng pagpapatupad ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ).

Sa bilang na ito, halos 26,000 ang nahuli sa paglabag sa minimum public health standards.

11,000 naman ang nasita sa paglabag sa uniform curfew hours, habang mahigit 2,400 ang mga nahuling non-Authorized Persons Outside of Residence (non-APOR).


Samantala, kung isasama ang mga nahuli sa mga karatig-lalawigan ng Metro Manila na kabilang sa National Capital Region (NCR) Plus sa nakalipas na tatlong buwan, aabot sa mahigit 121,000 ang kabuuang bilang ng mga violators ng iba’t ibang health protocols.

Ngunit, kung sa buong bansa naman ay mahigit 178,000 ang mga nahuli sa nakalipas na 3 araw.

Matatandaang sinabi ni PNP Chief PGen. Guillermo Eleazar na paulit-ulit na lang ang paalala ng PNP sa publiko na sumunod sa quarantine protocols para na rin sa kanilang sariling kaligtasan, ngunit marami pa rin sa mga Pilipino ang pasaway.

Facebook Comments